Mayor na kinasuhan ng bigamya,suspendido
October 23, 2003 | 12:00am
Bustos, Bulacan Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng 30 araw sa kanyang posisyon ang alkalde ng bayang ito matapos kasuhan ng bigamya nang magpakasal ng dalawang beses noong 1977 at 1993.
Sa 7 pahinang desisyon na nilagdaan nina Graft Investigation 1 Floriza Briones, Director Joaquin Salazar at Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez si Bustos Mayor Carlito Reyes ay sinuspinde nang walang tatanggaping suweldo matapos ang ilang buwang pagdinig sa kanyang kasong immorality at misconduct.
Nabatid na ang alkalde ay nagpakasal noong Pebrero 1, 1977 sa isang Edna Sandoval ng Cuenca , Batangas at pagkaraan ng 16 taon ay muling nakipag-isang dibdib sa isa namang nagngangalang Elvira Baldonado ng Talampas, Bustos, Bulacan noong Hulyo 3, 1993.
Ibinasura ng korte ang alibi ni Reyes na nang mangyari ang naturang paglabag sa batas ay hindi pa siya halal na opisyal sa dahilan ayon sa mga ito ang ginawa ng alkalde ay saklaw ng kasong kriminal na may kaukulang parusang pagkakabilanggo.
Magugunita na si Reyes ay minsan na ring nasuspinde ng nasabing tanggapan ng 90 araw noong 2001 matapos mapatunayang nilabag nito ang batas na nakapaloob sa Civil Service Law pagkaraang ilipat sa ibang posisyon ang mga kawani ng munisipyo. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended