Pamilya minasaker: 5 patay
October 23, 2003 | 12:00am
Camp Crame Malagim ang sinapit na kamatayan ng limang miyembro ng pamilya kabilang ang isang 24-anyos na ginang habang dalawa pa ang nasugatan makaraang bistayin ng bala ng mga pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng Noli Actor gang sa Bacolod City kamakalawa ng gabi.
Ang mga biktimang kinilalang sina Jenalyn Buli-buli, 24-anyos at anim na buwang buntis; Shirley Mayagma, 39; Carlo Mayagma, 1-anyos at Shirley Mayagma, 5-anyos; pawang dead on the spot sa insidente.
Kinilala naman ang mga nasugatan na sina Jelly Anne Buli-buli at Ernie Mayagma, 14-anyos na ngayoy kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas.
Pinaghahanap naman ang mga suspek na tinukoy sa mga pangalang Benjie Casipi, Aser Ulbay, Celesforo Urbano at Gamay Munoz; mga notoryus na miyembro ng Noli Actor gang na sangkot sa serye ng pagpatay at iba pang kriminal na aktibidad sa lungsod.
Batay sa ulat, ang insidente ay naganap bandang 10:30 ng gabi nitong Martes nang pasukin ng mga suspek na pawang armado ng .357 revolver ang tahanan ng pamilya na noon ay mahimbing na natutulog sa Purok 3, La Salle Ville, Brgy. Mansulingan, Bacolod City.
Sunud-sunod na putok ng baril ang narinig sa lugar at ilang saglit pa ay namataan ang mga suspek habang papatakas ng ilang mga residente dito.
Ayon sa teorya ng mga awtoridad ang pamamaslang ay may kinalaman sa pagiging asset ng pulisya sa mga asawa ng magkapatid na Jenalyn at Shirley na siya umanong testigo sa kasong kriminal laban sa mga suspek. Patuloy namang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended