4 NPA rebels nasakote
October 19, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Apat na miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nadakip ng tropa ng militar sa isinagawang raid sa safehouse ng komunistang grupo sa Compostela Valley kamakalawa ng tanghali.
Ang mga nadakip na rebelde ay kinilalang sina Laurencio Maybanting Sr., Llan Maybanting alyas Ka Sabroso, Junie Rabacal at Temploro Magaso alyas Ka Junior.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang cal. 5.56mm armalite rifle, magazine na may lamang bala ng M-16 rifle, subersibong mga dokumento at mga medical paraphernalia.
Base sa ulat ng tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., dakong alas-12 ng tanghali nang salakayin ng mga operatiba ng Armys 36th Infantry Battalion (IB) ang safehouse ng mga rebelde sa Brgy. Macopa, Monkayo ng nasabing lalawigan.
Sinabi ni Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala na nakatanggap ng impormasyon ang militar na sa nasabing safehouse nagsasagawa ng pagli-lecture ang mga rebelde sa ilan nitong dinodoktrinahang sibilyan para kumbinsihing sumapi sa kilusan.
Agad na sinalakay ng tropa ng mga sundalo ang lugar na nagresulta sa pagkakahuli sa apat na rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest