Mag-asawang trader,tinodas
October 17, 2003 | 12:00am
CALASIAO, Pangasinan Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang negosyante ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki habang ang mga biktima ay nasa loob ng kanilang karinderia sa Poblacion East ng bayang ito noong Huwebes ng gabi.
Dalawamput dalawang tama ng bala ng M16 armalite rifle sa katawan ang tumapos sa buhay nina dating SPO4 Cesar de Vera Baguis, 55 at Marilyn Jabson Baguis, 50, na kapwa residente ng Pag-asa Village, Dagupan City.
Pinakahuling assignment ni Baguis ay sa PNP regional office sa San Fernando City, La Union bago magretiro noong Pebrero 2002.
Ayon sa anak na si Julius Cesar Baguis, nakita niya ang tatlong lalaking armado na naka-sombrero at sunod-sunod na pinaputukan ang kanyang magulang bago nagsitakas patungo sa direksiyon ng San Carlos City sakay ng motorsiklo.
Sinikap na iligtas ang buhay ng mag-asawa pero idineklarang patay sa Region I Medical Center sa Dagupan City.
Kasalukuyang blangko ang pulisya sa motibo ng krimen pero may posibilidad na paghihiganti ang unang sumagi sa isip ng mga imbestigador dahil si SPO4 Baguis ay naging malapit sa ibat ibang alkalde sa Pangasinan. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest