Kotse vs bus" 3 bagets patay
October 16, 2003 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Tatlong tinedyer ang kumpirmadong namatay matapos na mabangga ang kanilang sinasakyang kotse ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Ikirin ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Ang mga biktima na pawang nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa katawan at nabasag ang bungo ay nakilalang sina John Herbert Asilo ng Lucena City; Allan Paulo Ticar ng San Pablo, 17 at Dante Emmanuel De Gala, kapwa ng Candelaria, Quezon.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Allan Falqueza, dakong alas-10:30 ng umaga habang tinatahak ng Toyota Corolla (DTZ-112) ang kahabaan ng naturang highway sakay ang mga biktima patungo sa Lucena City nang mawalan ng kontrol.
Napapunta sa kaliwang bahagi ng kalye ang kotse ng mga biktima at dahil sa bilis ng takbo ay hindi na ito nakaiwas sa kasalubong na Grand Star Bus (PYA-112) na minamaneho ni John del Rosario ng San Pedro Laguna at tuluy-tuloy na nabangga ang nasabing kotse.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro ang kotse na naging dahilan ng dagliang kamatayan ng tatlong sakay nito. Boluntaryo namang sumuko sa police station ang driver ng bus at sinampahan ng kaukulang kaso. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest