Police captain itinumba
October 15, 2003 | 12:00am
CAMP CONRADO D. YAP, Zambales Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng Olongapo City police station ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay papalabas ng Bulwagan ng Katarungan na sakop ng Barangay Palanginan, Zambales kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Provincial Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang biktimang si Police Senior Inspector Sergio Rivera ng Barangay Sindol, San Felipe, Zambales.
Base sa ulat ni P/Chief Inspector Lorenzo Mercado kay P/Supt. Wilson Victoria, provincial director, naitala ang pananambang bandang alas-4:10 ng hapon habang ang biktima ay papalabas ng Bulwagan ng Katarungan.
Ayon pa sa pagsisiyasat, sinabayan ng isa sa mga killer ang biktima at kasabay na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok.
Agad na bumulagta ang duguang biktima habang ang killer naman ay palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen saka sumakay ng motorsiklo patungo sa hindi nabatid na direksiyon.
Wala pang malinaw na motibo sa naganap na pananambang dahil pansamantalang walang lumutang na testigo para kilalanin ang mga pumaslang. (Ulat ni Erikson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest