Paslit napagalitan ng ina, nag-suicide

NUEVA ECIJA – Pinaniniwalaang dinamdam ng isang 11-anyos na paslit ang matinding sermon ng kanyang ina kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Baragay Linao, Licab, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na natagpuang nakabitin sa door knob ng pintuan ay nakilalang si Kimberly Ili, grade 6 pupil, samantala, inamin naman ng inang si Aling Yolanda na napagalitan niya ang biktima dahil sa hindi nito pagsunod sa utos pero hindi akalaing magagawa ng bata na mag-suicide.

Ayon sa pulisya, ginamit ng biktima sa pagpapakamatay ay plastic straw na dinugtungan ng damit saka itinali sa door knob ng pintuan ng kuwarto sa lumang bahay.

Nadiskubre ang bangkay makaraang hanapin ng kapatid para mag-almusal sa kanilang bagong bahay. Tumanggi naman ang ama ng biktima na isailalim sa autopsy ang bangkay ng kanilang anak sa hindi nabatid na dahilan.

May teorya ang pulisya na nagtampo ang biktima sa ginawang sermon ng ina kaya nagkulong sa kuwarto saka isinagawa ang pagbibigti. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments