^

Probinsiya

9 pulis, 2 Cafgu pararangalan

-
CAMP WENCESLAO Q. VINZONZ SR., Camarines Norte – Siyam na kagawad ng pulisya at dalawang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nakipagbarilan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na sumalakay sa munisipyo at himpilan ng pulisya sa San Lorenzo Ruiz ang pararangalan ngayon.

Pangungunahan nina P/Senior Supt. Florencio Magundayao, provincial director at P/Chief Supt. Jaime Lasar, regional police director na pagkakalooban ng parangal sina P/Sr. Insp. Rogelio Beraquit, police chief; SPO4 Vicente Carillo, deputy chief; SPO4 Elmer Ramores, SPO1 Porferio Isaac Jr., SPO1 Rizaldy Balane, PO2 Antonio Yuson, PO2 Nestor Pajares Jr., PO2 Ireneo Mendoza, PO1 Marlon Calubaquib at dalawang CAFGU na sina Julio Alvarez at Rodrigo Ilagan.

Si Alvarez na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ay unang nakipagbarilan sa mga sumalakay na rebelde sa munisipyo at presinto ng San Lorenzo Ruiz na unang napaulat sa pahayagang ito na inakalang kasapi ng New People’s Army (NPA).

Ang mga pinarangalang siyam na kagawad ng pulisya at dalawang CAFGU ay lumaban at nakipagbarilan sa mga rebelde para ipagtanggol ang munisipyo at presinto ng San Lorenzo Ruiz.

Bagamat aabot sa P.5 milyong ari-arian ang nawasak ay hindi naman naging matagumpay ang mga rebelde na masakop ang nasabing munisipyo at presinto ng pulisya dahil sa ipinakitang katapangan ng siyam na pulis at dalawang CAFGU. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

ANTONIO YUSON

CAMARINES NORTE

CHIEF SUPT

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

ELMER RAMORES

FLORENCIO MAGUNDAYAO

FRANCIS ELEVADO

IRENEO MENDOZA

JAIME LASAR

NEW PEOPLE

SAN LORENZO RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with