^

Probinsiya

Munisipyo at presinto inatake ng NPA

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Tinatayang aabot sa P.5 milyong ari-arian ang nawasak, samantala, dalawa namang kagawad ng pulisya ang nasugatan makaraang salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang munisipyo at presinto ng pulisya sa San Lorenzo Ruiz sa Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat, sampung opisina ng munisipyo ang winasak ng mga rebelde at sinunog pa ang patrol car at motorsiklo na pag-aari ni PO2 Nestor Pajares Jr.

Kabilang sa nasugatang pulis ay nakilalang sina PO2 Ireneo Mendoza at SPO4 Elmer Ramores na kahit na may tama ng bala sa katawan ay nakuha pang makipagbarilan sa mga rebelde.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng pampasaherong dyip ang mga rebelde nang mamataan ng isang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang kilalang rebeldeng si Julio Alvares na unang bumaba sa sasakyan.

Agad na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok sa loob at labas ng nasabing munisipyo at himpilan ng pulisya.

Agad namang nagresponde ang siyam na nagbabantay na kagawad ng pulisya sa pamumuno ni P/Senior Inspector Rogelio Beraquit at nakipagbarilan sa mga umaatakeng rebelde.

Tumagal ng dalawang oras ang putukan bago nagsitakas ang mga rebelde matapos na matunugang may rumerespondeng tropa ng militar mula sa 902nd Brigade ng Phil. Army at 503rd Provincial Police Mobile Group.

Sa kasalukuyan ay walang iniulat na nasawing pulis o sibilyan, gayunman, sinuspinde naman ni Mayor Edgar Ramores ang pasok sa nasabing munisipyo para maisaayos ang mga gamit na nawasak. (Ulat nina Francis Elevado/Ed Casulla/ Joy Cantos)

vuukle comment

CAMARINES NORTE

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

ED CASULLA

ELMER RAMORES

FRANCIS ELEVADO

IRENEO MENDOZA

JOY CANTOS

JULIO ALVARES

LEGAZPI CITY

MAYOR EDGAR RAMORES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with