Bulkang Mayon nagbabantang sumabog
October 14, 2003 | 12:00am
Nakaambang sumabog ang bulkang Mayon makaraang mamataang nagbabaga ang bunganga at nagbubuga ng putik na kumukulo ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa isinagawang monitoring ni July Sabit, volcanologist, patuloy ang pagtaas nang pagluluwa ng sulphur dioxode mula sa normal gas emission na 500 tonelada kada araw ay umaabot na sa 2, 500 tonelada kada araw sa kasalukuyan.
"Makikita mo sa pamamagitan ng telescope ang crater glow na nagpapahiwatig lamang na may indikasyong nakaambang sumabog ang bulkang Mayon," pahayag pa ni Sabit.
Bunsod nito, itinaas na ng Phivolcs sa alert level 2 na nangangahulugan lamang na off-limits na sa mga sibilyan na makapasok sa 6 radius kilometer danger zone sa paligid ng nasabing bulkan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended