^

Probinsiya

2 pulis, sibilyan patay sa ambush

-
Dalawang pulis at sibilyan ang kumpirmadong nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga biktima sakay ng dyip sa Occidental Mindoro kahapon ng umaga.

Tumba agad ang mga biktimang sina PO1 Edmundo Passion, PO1 Diomeral Mendez at driver na si Jose Macalalag habang sugatan naman sina PO1 Joey de Vera at PO1 Resurreccion na pawang nakatalaga sa 408th Police Mobile Group.

Base sa ulat, naitala ang pananambang dakong alas-8 ng umaga sa kahabaan ng Barangay San Vicente, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.

Nabatid pa sa ulat na huhingi ng mga security escort ang asawa ni Occidental Mindoro Gov. Jose Villarosa na si Girlie na magtutungo sa Mamburao.

Kasalukuyang binabagtas ng mga biktima ang daan sakay ng owner-type jeep nang biglang harangin ng mga armadong hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebelde.

Kahit nalagasan ang mga biktima ay gumanti rin ng putok hanggang umatras ang mga rebelde. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

BARANGAY SAN VICENTE

DIOMERAL MENDEZ

DORIS M

EDMUNDO PASSION

JOSE MACALALAG

JOSE VILLAROSA

NEW PEOPLE

OCCIDENTAL MINDORO

OCCIDENTAL MINDORO GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with