15 tripulante naisalba sa lumubog na bangka
October 12, 2003 | 12:00am
Labinlimang tripulante ng F/B Jolina ang iniulat na naisalba ng mga tauhan ng Philippine Navy makaraang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Zamboanga City.
Ayon sa ulat, ang lumubog na bangka na naglalaman ng 50 containers ng ibat ibang uri ng isda ay dadalhin sa Zamboanga City mula sa Capual Island, Luuk, Sulu nang balyahin ng malaking alon.
Nagkataon naman patungo ang barkong LC550 ng Phil. Navy sa ruta ng Ensign Majini Pier sa Zamboanga City nang mamataan ang papalubog na bangka.
Nubenta porsiyentong lulang kargamento ng nasabing bangka ay nakalubog na nang naisalba ang mga tripulante.
Sa pahayag ng mga nasagip na tripulante na kasalukuyan silang naglalayag nang bumuhos ang malakas na ulan saka sinabayan pa ng malakas na hangin hanggang salubungin ang bangka ng malaking alon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest