3 NPA timbog sa kotong
October 11, 2003 | 12:00am
Tatlong notoryus na extortionist ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya at militar sa magkakahiwalay na entrapment operations sa lalawigan ng Pampanga at Bataan kamakalawa.
Sa ulat, unang bumagsak sa mga elemento ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ang dalawang NPA matapos na mabitag sa entrapment operations nitong Huwebes bandang alas-4:30 ng hapon sa Poblacion, Manaoag, Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na sina Darwin Manangan, 20 at Joel Navarro, 25; pawang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Bago ang entrapment ay nagpadala ng extortion letter ang komunistang grupo sa negosyanteng si Arturo Pellunar, may-ari ng Fercal Hardware and Lumber sa lugar na nagsasaad na kailangang magbayad ng P100,000 revolutionary tax kada buwan sa mga rebelde at kung hindi ay isasabotahe ang kanyang negosyo.
Agad namang nagsuplong sa pulisya si Pellunar kung saan ay agad nagsagawa ng entrapment operations ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang mangingikil na rebelde.
Samantala, iniulat naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakalambat sa isa pang rebel extortionist sa isinagawa namang operasyon sa Brgy. Balut, Orani, Bataan.
Hindi na nakapalag ang suspek na si George Zaragosa nang dakpin ng Armys 24th Infantry Battalion (IB) at 303rd Police Mobile Group (PMG) (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended