^

Probinsiya

Misis nasumpak ni mister,patay

-
CAVITE – Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabaril ng sumpak ang isang 29-anyos na misis ng kanyang mister makaraang umawat ang biktima sa away ng kanilng kapitbahay sa Barangay Gregoria De Jesus, Moonlight Subdivision, General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang tinamaan sa balakang ay nakilalang si Marisol Espina, samantala, ang suspek na mister na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Albert Sale, 33, pintor at kapwa residente ng 106 Upper Moonlight Subdivision ng nabanggit na barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi nang magsimulang makipag-away ng suspek sa kanilang kapitbahay na lalaki.

Dahil sa matinding galit ay nagmamadaling kumuha ng sumpak ang suspek subalit hinarang ng kanyang misis para hindi na makalabas.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay aksidenteng pumutom ang hawak na sumpak ng suspek at tinamaan ang kanyang misis.

Nagawa pang isugod sa osptial ang biktima subalit idineklarang patay dahil sa tinamong tama ng bala ng sumpak. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ALBERT SALE

BARANGAY GREGORIA DE JESUS

CAVITE

CRISTINA G

DAHIL

GENERAL MARIANO ALVAREZ

LUMALABAS

MARISOL ESPINA

MOONLIGHT SUBDIVISION

UPPER MOONLIGHT SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with