Mga pusher ng kasapi ng Pentagon,tiklo

COTABATO CITY – Kalahati sa 54 notoryus na tulak ng bawal na droga na dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon simula noong Hunyo hanggang Setyembre ay pinaniniwalaang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang.

Ito ang kasalukuyang bineberipika ng mga tauhan ni P/Senior Inspector Romeo Espero, deputy chief ng PDEA-ARMM makaraang lumutang ang posibilidad na nagbago ng estilo ang mga kasapi ng notoryus na Pentagon sa pagtutulak ng bawal na droga sa nasabing lungsod.

Isiniwalat ng source mula sa Army at police intelligence unit na kumpirmadong 20 nadakip na tulak ng droga ay sangkot sa kidnapping sa Cotabato City at karatig pook.

Pero nangangalap pa ng matibay na ebidensiya ang pulisya para tumibay ang pagsasampa ng kaso sa korte, gayunman, sinabi ni Espero na kinasuhan na ang mga nadakip na tulak ng bawal na gamot. (Ulat ni John Unson)

Show comments