^

Probinsiya

Sayyaf lider natimbog

-
CAMP AGUINALDO – Nalambat ng mga tauhan ng militar ang isa sa kasapi ng teroristang Abu Sayyaf na pinaniniwalaang may patong sa ulong P.350 milyon habang gumagala sa General Santos City noong Lunes ng umaga.

Ginagamot ngayon sa General Santos City Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa paa si Yusop Tadah na may apat na kasong kidnapping at illegal detention na pinaniniwalaang malapit na tauhan ni Nadzmie Saabdulla, alyas Commander Global na nadakip din ng mga awtoridad kamakailan.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, namataan ng mga operatiba ng Naval Intelligence Security Force, Marine Intelligence at mga pulis-General Santos City si Tadah na nagmamaneho ng kulay pulang traysikel sa kahabaan ng J. Catolico Avenue.

Ayon pa sa ulat, nagtangkang tumakas ni Tadah nang mamataan niyang papalapit sa kanya ang mga awtoridad kaya napuwersang barilin siya sa kaliwang paa.

Si Tadah na pinaniniwalaang lider sa sunud-sunod na kidnapping sa Southern Mindanao ay ika-5 kasapi ng Abu Sayyaf na nasukol ng militar sa nakalipas na tatlong buwan.

Gayunman, sumailalim na sa masusing tactical interrogation si Tadah sa himpilan ng Naval Forces-Western Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

CAMP AGUINALDO

CATOLICO AVENUE

COMMANDER GLOBAL

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY MEDICAL CENTER

JOY CANTOS

MARINE INTELLIGENCE

NADZMIE SAABDULLA

NAVAL FORCES-WESTERN MINDANAO

TADAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with