'Mansanas' ni Eba kinagat ni Adan
October 8, 2003 | 12:00am
NAGA CITY Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 21-anyos na guest relation officer (GRO) upang ireklamo ang isang 27-anyos na lalaki makaraang kagatin nito ang maselang bahagi ng biktima sa loob ng videoke bar sa Barangay Dinaga sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Halos hindi makalakad ang biktimang itinago sa pangalang Eba na nagsampa ng demandang serious physical injury laban sa suspek na si Allan Baloloy, residente ng Magarao, Camarines Sur.
Base sa salaysay ng biktima sa pulisya, naitala ang krimen bandang alas-11 ng gabi sa loob ng videoke bar na walang karatula sa loob ng Alvarez Bldg.
Pumasok ang suspek sa naturang lugar hanggang sa mapagtripang tawagin ang biktima.
Agad namang lumapit ang babae sa nakaupong suspek para maging ka-partner habang umiinom ng alak at ilang minuto pa lamang ay biglang kinagat ang maselang bahagi ng biktima kahit na ito ay nakapantalon.
Tumagal ng ilang minuto ang pangyayari bago nasaklolohan ang biktima ng kanyang mga kasamahang GROs.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, sa takot na maghimas ng rehas na bakal ay agad na nakipag-areglo ang suspek sa biktima sa halagang P4,000. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended