Bodyguard ng mayor nagbarilan
October 7, 2003 | 12:00am
ALICIA, Isabela Isang 34-anyos na lalaki na pinaniniwalaang malapit na alalay ni Mayor Napoleon Dy ang kumpirmadong nasawi makaraang pagbabarilin ng kapwa alalay ng nasabing alkalde sa bayang ito noong Sabado ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Generoso "Gener" Halindon, ng Valle Street, Cauayan City, samantala, dinakip naman ang suspek na si Private 1st Class Romeo "Jabar" Mariano, 32 at kapwa security aides ng nabanggit na alkalde sa bayan ng Alicia, Isabela.
Naitala ang pangyayari bandang alas-7 ng gabi matapos na maghapunan si Mayor Dy kasama ang ilang barangay opisyal.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinita ng suspek ang biktima dahil sa hindi nito nagagampanan ang tungkulin bilang alalay ng nasabing alkalde sa mga nakalipas na araw.
Hanggang sa magkainitan ang dalawa at nagsuntukan pero naawat naman ni Mayor Dy ang pangyayari.
Napag-alaman na hindi pa nakakalayo sa pinangyarihan si Mayor Dy ay umalingawngaw na ang tatlong putok ng baril at duguang bumulagta ang biktima, samantala, sugatan naman ang suspek. (Ulat ni Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest