Abu muling bumanat: 3 Indon,3 Malaysian dinukot
October 7, 2003 | 12:00am
Matapos ang dalawang taong pananahimik, muling umatake ang mga bandidong Abu Sayyaf matapos bihagin ang anim na dayuhang Malaysian at Indonesian sa panibagong insidente ng kidnapping sa beach resort sa Malaysia nitong Linggo ng gabi.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Vice Chief of Staff at Spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia na kasalukuyan pa nilang beniberipika ang pangyayari.
Ang mga biktima ay kinilala sa mga pangalang Norberto Aresi, Amir Nangi at apat na tinukoy lamang sa mga alyas na Vico, Annar, Arsad at Saraban; bagaman inaalam pa kung sino sa mga ito ang Indonesian gayundin ang mga Malaysian.
Sinabi ni Garcia na ang pagbihag sa mga biktima ay kinumpirma mismo ng mga awtoridad ng Malaysia at ni Defense and Armed Forces attache Col. Felizardo "Frank" Simoy.
Bandang alas-10 ng gabi nang salakayin ng mga armadong suspek na lulan ng speedboat ang Borneo Paradise Resort na matatagpuan sa Kunac River sa Lahud Datu Sandakan sa Sabah, Malaysia.
Ayon kay Garcia, ang mga suspek na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas ay huling namataan na lulan ng 20 footer speedboat patungo sa direksiyon ng Mindanao.
Sa kasalukuyan, ayon pa kay Garcia ay patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Malaysia para makakalap pa ng karagdagang impormasyon.
Magugunita na noong Abril 23, 2000 ay 21-katao kabilang ang 18 Europeans ang dinukot ng mga bandidong Sayyaf sa Sipadan beach resort sa Sabah, Malaysia kung saan ang mga bihag ay itinago naman sa lalawigan ng Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended