Kahera at sikyu tinodas ng 3 holdaper
October 6, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA Dalawang tauhan ng kilalang kompanya ng kosmetik ang iniulat na nasawi makaraang pasukin ang kinaroroonang gusali ng mga biktima saka pagbabarilin ng tatlong holdaper sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Barrera, Cabanatuan City kahapon ng madaling-araw.
Bukod sa pinatay ang mga biktimang sina Mayeth Cruz, 29; at Ismael Cunanan, 21, ay tinangay pa ng mga holdaper ang P2 milyong kinita ng kompanya na nakalagay sa safety vault.
Ayon sa ulat na isinumite kay P/Sr. Insp. Crisencio de Asis, nag-overtime si Cruz bilang accountant at computer programmer ng Avon habang nagbabantay sa nasabing kompanya ang security guard na si Cunanan.
Napag-alaman na nadiskubre ang pangyayari matapos na dumating ang karelyebo ni Cunanan at agad na ipinagbigay-alam sa pulisya.
May teorya ang pulisya na kakilala ng mga biktima ang mga maninikwat at para hindi maibulgar ang pangyayari ay pinatahimik na lang ang dalawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended