Sa tatlong pahinang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Godofredo Naui ng RTC Branch 37, pinapadakip sa mga kagawad ng pulisya si Mayor Alfredo Castillo ng Alfonso Castañeda.
Nag-ugat ang pangyayari matapos na magsampa ng kasong estafa si Bienvenido Mariano tungkol sa BP 22 na halagang P80,000 mula sa nasabing alkalde.
Ayon sa ulat, si Mayor Castillo ay nakipagkasundo na bumili ng transit mixer sa halagang P110,000 kay Mariano.
Nagbigay ng paunang bayad na P30,000 ni Castillo at ang kabuuang bayad ay postdated check na P80,000 pero lumalabas na idineklarang sarado na ang bangko kaya naman hindi nakuha ang nasabing halaga hanggang sa umabot ang reklamo sa korte. (Ulat ni Victor P. Martin)