^

Probinsiya

Mayor pinapaaresto sa estafa

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang mayor sa bayang ito makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court sa kasong estafa na isinampa sa kanya noong Hulyo, 2002.

Sa tatlong pahinang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Godofredo Naui ng RTC Branch 37, pinapadakip sa mga kagawad ng pulisya si Mayor Alfredo Castillo ng Alfonso Castañeda.

Nag-ugat ang pangyayari matapos na magsampa ng kasong estafa si Bienvenido Mariano tungkol sa BP 22 na halagang P80,000 mula sa nasabing alkalde.

Ayon sa ulat, si Mayor Castillo ay nakipagkasundo na bumili ng transit mixer sa halagang P110,000 kay Mariano.

Nagbigay ng paunang bayad na P30,000 ni Castillo at ang kabuuang bayad ay postdated check na P80,000 pero lumalabas na idineklarang sarado na ang bangko kaya naman hindi nakuha ang nasabing halaga hanggang sa umabot ang reklamo sa korte. (Ulat ni Victor P. Martin)

vuukle comment

ALFONSO CASTA

AYON

BIENVENIDO MARIANO

HULYO

JUDGE JOSE GODOFREDO NAUI

MAYOR ALFREDO CASTILLO

MAYOR CASTILLO

NUEVA VIZCAYA

REGIONAL TRIAL COURT

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with