Guro na kinidnap,pinatay
October 5, 2003 | 12:00am
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan Pinaniniwalaang hindi nakapagbigay ng malaking halaga ang pamilya ng isang guro ng Baptist School na kinidnap kaya napilitang patayin makaraang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakalibing sa bakuran ng isa sa mga kidnaper sa Mexico, Pampanga kahapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ariel Faustino, 30, residente ng Barangay San Pedro, Bustos, Bulacan at part-time salesman ng motorsiklo.
Naghihimas naman ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Alfredo Catacuan, 37, ng San Luis, Pampanga; Ruel Vergara, 30 at Abelardo Ocampo, 53, ng Mexico, Pampanga.
Base sa ulat ni Police Chief Inspector Abraham Rafana, hepe ng 303rd CIDT sa Bulacan na kinidnap ang biktima habang nagbebenta ng motorsiklo sa nasabing bayan.
Matapos na isagawa ang kidnap ay humihingi ng P50,000 ransom ang mga suspek sa asawa ng biktima hanggang sa magkasundo sa halagang P20,000.
Ayon pa kay Rafana na nakipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa pulisya sa isasagawang payoff kaya agad na bumuo ng task force.
Aktong iniaabot ng asawa ng biktima kay Ocampo ang napagkasunduang halaga pero agad naman dinakip hanggang sa ituro nito ang pinaglibingan kay Faustino na nasa likurang bahagi ng kanilang bakuran kasabay na dinakip ang dalawa pa. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended