4 Kuratong Baleleng todas sa shootout
October 5, 2003 | 12:00am
DAGUPAN CITY Apat na miyembro ng notoryus na Kuratong Baleleng Gang ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa mga elemento ng pulisya sa kahabaan ng Dagupan-San Fabian Road sa Barangay Bonuan Binloc sa lungsod na ito kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Diego Jabalon, alyas Tata; Alejandro Lobatan ng 16A San Guillermo St., Pototan, Iloilo; Ricardo Cabuyagan Pedroza ng 10-C St. Niño St. Antipolo City, Rizal at isa pang bineberipika ang pagkakilanlan.
Ayon sa ulat, si Jabalon ay may nakabinbing warrant of arrest mula sa Bataan Regional Trial Court sa kasong robbery.
Narekober ng pulisya ang mga armas, granada at tatlong bonet partikular na ang sasakyang Highlander Isuzu na walang plaka na pinaniniwalaang ginagamit sa modus operandi.
Base sa ulat na nakarating kay P/ Supt. Noli Taliño, police chief sa lungsod na ito, nakatangap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan na may gumagalang armadong kalalakihan sakay ng nasabing sasakyan sa nabanggit na barangay. Napag-alaman pa ng pulisya na ang apat ay naka-checked-in sa Mabuhay Motel sa Bonuan Boquig at pinaniniwalaang naghahanap ng mabibiktima.
Agad naman nagtayo ng checkpoint ang pulisya hanggang sa nasabat pero imbes na sumuko ay nakipagbarilan pa ang apat na naging sanhi ng kanilang kamatayan. (Ulat nina Eva Visperas, Angie dela Cruz, Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended