^

Probinsiya

P 10 M puslit na alak nasabat

-
SUBIC BAY, Freeport – Umaabot sa P10 milyon imported smuggled white wine ang nasabat ng mga operatiba ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) lulan ng van makaraang tangkaing ipuslit palabas ng Freeport kahapon ng umaga.

Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD Chief for Operations Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, lulan ng aluminum van (GNK-233) ang 430-kahon na naglalaman ng imported na green plum wine nang masabat ng customs police agents dakong alas-10:00 ng umaga kahapon sa may Barangay Kalaklan, 1st Street, Olongapo City ilang sandali matapos ipuslit palabas ng Kalaklan entry/exit gate ng Subic Freeport Zone.

Ayon kay Alameda, ang mga puslit na kargamento na may kabuuang 5,160 piraso ng botelyang white wine (750ml) ay inimport mula sa China ng Mexxon Company, isang rehistradong locator dito sa naturang Freeport.

Sinabi pa ni Alameda na walang maipakitang kaukulang dokumento ang driver na si Jimmy Go Tan kaya’t mabilis na kinumpiska ang kargamento.

Sa inisyal na pagsisiyasat, inamin ni Tan na siya’y inatasan lamang ng isang nagngangalang Mr. Ngo na tumungo sa bodega ng Mexxon Company building 391 sa loob ng Freeport at kunin lahat ang nakatago at nakaimbak na mga alak at kaagad na ideliver sa isang malaking bodega sa Olongapo City.

Ang nakumpiskang mga alak ay dinala sa Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) ng Customs Clearance Area (CCA) para sa safekeeping kasabay na nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si Subic Customs Collector Atty. Alexander Arcilla laban sa mga smuggled contrabands. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ALEXANDER ARCILLA

AUCTION AND CARGO DISPOSAL UNIT

BARANGAY KALAKLAN

CUSTOMS CLEARANCE AREA

CUSTOMS POLICE DISTRICT

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

JEFF TOMBADO

JIMMY GO TAN

MEXXON COMPANY

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with