^

Probinsiya

Amok: 5 katao grabe

-
DARAGA, Albay –Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang lima-katao makaraang hampasin ng tubo nang nag-amok na lalaki sa kahabaan ng Rizal Street sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot ngayon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Joseph Aguillon, Erwin Ayes, Gerald Raguin, Sandy Nocete at Anthony Llasos, samantala, ang suspek na binaril sa hita nang nagrespondeng pulis ay nakilalang si Alex Rico, 42, may asawa ng Barangay Illaor Oas, Albay.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na magkakasamang kumakain ang mga biktima sa karinderya nang biglang lumapit ang suspek.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nanghalibas ng tubo ang suspek sa mga kumakain na biktima subalit agad namang rumesponde ang ilang pulis para payapain ang nag-amok pero nagpatuloy pa rin kaya napilitang barilin. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ALEX RICO

ANTHONY LLASOS

BARANGAY ILLAOR OAS

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

ED CASULLA

ERWIN AYES

GERALD RAGUIN

JOSEPH AGUILLON

RIZAL STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with