Mag-utol kinidnap
October 2, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Kinidnap ang magkapatid na anak ng isang magsasakang nagmamay-ari ng malawak na lupain ng hindi pa nakilalang grupo ng mga armadong kalalakihan sa Lanao del Sur, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Vanessa Ponce, 14 at kapatid nitong si Porferio, residente ng Brgy. Natangcopan, Bumbaran ng nasabing lalawigan.
Base sa ulat, ang pagdukot sa mga biktima ay naganap sa Barangay Natangcopan bandang alas-11 ng umaga.
Nabatid na ang mga biktima ay papauwi nang biglang sumulpot ang mga kidnaper at agad tinutukan ng baril at tinangay patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Ayon sa ulat, ang mga kidnaper ay natukoy naman mula sa grupo ni Kumander Abu Manco, lider ng small time kidnap-for-ransom (KFR) group mula sa hanay ng mga rebeldeng Muslim na aktibong nag-o-operate sa lugar.
Napag-alaman sa testimonya ng mga testigo, wala umanong nagawa ang mga biktima nang tangayin ng mga kidnaper at hindi rin nasaklolohan ng mga bystander sa matinding takot.
Kaugnay nito, agad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan kasama ang ilang religious leader para ligtas na mabawi ang mag-utol. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest