^

Probinsiya

Ama binaril ang anak bago nag-suicide

-
ATIMONAN, Quezon – Pinaniniwalaang binaril at napatay ang siyam na gulang na batang lalaki ng sariling ama bago nagbaril din sa sarili ang matanda sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tagbakin ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang bangkay ng mag-ama na natagpuang magkatabi ay nakilalang sina Jose Lopez, 36 at anak nitong si Michael, grade 3 sa Quezon Education College at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa pagsusuri ng doktor ng Doña Marta Hospital, lumalabas na may tama ng bala ng kalibre .38 baril sa ulo ang dalawa nang matagpuan ng mga awtoridad na naagnas ang katawan at hawak pa ni Jose ang baril na ginamit.

Base sa imbestigasyon ni SP01 Vernie Altez, nadiskubre ang dalawang bangkay matapos na magtungo sa bahay ng mag-ama si Nestor Parafina, kaibigan ni Jose.

Napag-alaman pa ng pulisya sa ilang kapitbahay ng mag-ama na nakarinig sila ng alingawngaw ng putok ng baril sa bahay ng dalawa subalit ito ay kanilang pinagwalang-bahala.

Wala namang nadiskubre ang pulisya na palatandaang pinasok ang bahay ng mag-ama dahil maayos ang lahat ng gamit sa paligid.

May teorya ang pulisya na matinding problema sa pamilya ang kinaharap ng ama kaya nagdesisyong wakasan ang kanilang buhay. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

vuukle comment

AMA

BARANGAY TAGBAKIN

CELINE TUTOR

JOSE LOPEZ

MARTA HOSPITAL

NAPAG

NESTOR PARAFINA

QUEZON EDUCATION COLLEGE

TONY SANDOVAL

VERNIE ALTEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with