P200-M palengke nasunog

SANTIAGO CITY, Isabela – Umaabot sa P200 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pamilihang bayan ng nasabing lungsod noong Linggo ng gabi, Setyembre 28, 2003.

Nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-6:30 ng gabi at tumagal ng apat na oras na naging sanhi para maabo ang malaking bahagi ng apat na ektaryang kinatatayuan ng pampublikong palengke.

Aabot naman sa 50 pamatay-sunog mula sa Quirino, Bayombong, Solano, Bagabag sa Nueva Vizcaya at Ifugao ang rumesponde kaya walang iniulat na nasawi o nasugatan.

Agad namang inatasan ni Mayor Jose Miranda si Rogelio Rotoni, city engineer na pangunahan ang isasagawang imbestigasyon sa naganap na pinakamalaking sunog sa nasabing lungsod.

Handa namang pagkalooban ng tulong ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang mga naapektuhan ng sunog. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments