Droga at prostitusyon talamak sa Subic
September 28, 2003 | 12:00am
SUBIC, Zambales Naging talamak at lumawak pa ang mga establisimyento na nagpapalabas ng malalaswang panoorin, partikular ang pagbebenta ng panandaliang-aliw at bawal na droga dahil sa pinoprotektahan ng ilang lokal na opisyal ng pulisya at kapabayaan ng pamahalaang munisipalidad.
Sa panibagong impormasyong nakalap ng PSN mula sa mapagkakatiwalaang impormante, kinumpirma nito na ang Luna Super Disco at Sweet 16 KTV sa Barangay Calapandayan, Subic, Zambales ay ginagawang front ng prostitution at karamihan sa mga empleyado ay pawang kababaihang menor-de-edad at walang kaukulang papeles.
Ayon pa sa impormante na nagpanggap na kostumer, maaaring makipagtalik ang isang kliyente sa mga kababaihang menor-de-edad sa halagang P500 lamang.
Ibinunyag pa ng source sa PSN na talamak ang bawal na droga katulad ng shabu at Ecstacy sa mga nabanggit na establisimyento, gayundin ang patuloy na pagpapalabas ng malalaswang panoorin sa mga bahay-aliwan gaya ng 392 Night Club, Head n Tail Disco, Georgetown, Curacha, Pepe Caca Super Disco at U-571.
Pinaniniwalaang protektado ng ilang mga barangay officials ang talamak at lantarang pagpapalabas ng malalaswang panoorin sa mga nabanggit na establisimyento dahil sa hindi magawang ipasara ang mga ito.
Kasabay nito ay kinondena naman ng mga residente sa nasabing lugar si Subic Mayor Jeffrey Khonghun, ilang mga barangay at police officials dahil sa walang ginagawang aksyon ang mga ito laban sa paglaganap ng droga, prostitution at bold shows sa kanyang nasasakupang lugar. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended