^

Probinsiya

8 patay sa salpukan ng bus

-
MARIVELES, Bataan – Walong sibilyan ang iniulat na nasawi, samantala, 60 naman ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang nakahimpil na bus sa kahabaan ng Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga biktimang namatay ay nakilalang sina Miring Valencia, Nering Prejoles, Benjamin Buensuceco, Marie Obra, Christine Obra, Jerwin Ferrer, 6; ng Baguio City at Fernando Mercado ng Batangas-11, Mariveles.

Inoobserbahan naman sa St. Joseph Hospital, Bataan Doctors, Bataan General Hospital, Mariveles Medical Center at Arsenal Hospital sina Glanda Olmo, 20, ng Wakas, Orion; Catherine Flores ng Poblacion Pilar; Arlene Cabital, Joser Marie Angelo, German Quinto, Erwin Mena, Angeline Pangan, Noel Ocampo, Elena Agoncillo, Corazon Gatdula, Arlene Mangaliman, Michael Bantugan, Anabel Berimo, Reina Alonzo, Evelyn Pangan, Emely Valencia, Isaac Valencia, Maximo Cadera Jr. Reinan Clavel, Jenifer Valencia at Marissa Flores.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na sinalpok ng 5 Brothers bus ang nakahimpil na Peñafrancia bus na may mga sibilyang sumasakay sa waiting shed ng naturang lugar.

Bumulusok sa malalim na kanal ang Peñafrancia bus dahil sa lakas na pagkakasalpok ng 5 Brothers bus na naitala bandang alas-6:30 ng gabi.

Nagtuluy-tuloy din ang 5 Brothers bus sa mga sibilyang naghihintay ng bus sa wating shed ng Barangay Lucanin.

Napag-alaman sa impormasyong nakalap ng pulisya na nag-uunahan ang dalawang bus na makakuha ng pasahero mula sa waiting shed ng Barangay Lucanin. (Ulat nina Jonie L. Capalaran at Angie dela Cruz)

ANABEL BERIMO

ANGELINE PANGAN

ARLENE CABITAL

ARLENE MANGALIMAN

ARSENAL HOSPITAL

BAGUIO CITY

BARANGAY LUCANIN

BATAAN DOCTORS

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with