Nabundol na bata,itinapon ng driver sa bakanteng lote
September 27, 2003 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Para mapagtakpan ang krimeng ginawa itinapon ng isang driver ang kanyang nabundol na isang 11-anyos na bata na sa halip dalhin sa pagamutan sa kahabaan ng Sumulong Hi-way ng nasabing lungsod kamakalawa.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Sumulong Hi-way ng nasabing lungsod.
Kasalukuyang binabagtas ng suspek ang nasabing lugar sakay ng kanyang minamanehong Starex van (WKC-779) nang mabundol nito ang papatawid na biktima na si Walter Bagagnan Jr., estudyante at residente ng Sitio Saguiran, Brgy. Sta. Cruz ng lungsod na ito na tumilapon ng ilang metro.
Inihinto umano ng suspek ang kanyang sasakyan subalit imbes na dalhin sa ospital ang biktima ay agad itong binuhat at itinapon sa isang bakanteng lote na malapit sa pinangyarihan ng insidente at mabilis na bumalik sa kanyang sasakyan at tumakas.
Nakita naman ang biktima ng isang babaeng nagdadaan sa nasabing lugar at mabilis na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center subalit namatay na ito habang ginagamot dahil sa mga natamong pinsala sa buong katawan.
Kahapon ng umaga ay kusang loob na sumuko ang suspek na si Felix Mallas sa pulisya kasama ang amo nitong si Marlo Guiao matapos makunsensiya.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Antipolo City detention cell habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended