Ang biktima na nagtamo ng sugat sa kaliwang mata na naglagos sa ulo ay nakilalang si Danilo Magpantay Catapang, dealer ng Liquified Petroleum Gas.
Napag-alaman na inihatid ng biktima ang dalawang anak sa Turayong Elementary School nang biglang lapitan ng dalawang armadong lalaki. Umalingawngaw ang malakas na putok na nasaksihan ng dalawang anak ang pagpaslang sa kanilang ama na pinaniniwalaang may kaugnayan sa negosyo. (Ulat ni Joy Cantos)<