Trader itinumba sa eskuwelahan
September 26, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Binaril at napatay ang isang 42-anyos na mayamang negosyante ng mga hindi kilalang armadong lalaki makaraang ihatid ng biktima ang dalawang anak sa eskuwelahan sa Cauyan City, Isabela kahapon ng umaga.
Ang biktima na nagtamo ng sugat sa kaliwang mata na naglagos sa ulo ay nakilalang si Danilo Magpantay Catapang, dealer ng Liquified Petroleum Gas.
Napag-alaman na inihatid ng biktima ang dalawang anak sa Turayong Elementary School nang biglang lapitan ng dalawang armadong lalaki. Umalingawngaw ang malakas na putok na nasaksihan ng dalawang anak ang pagpaslang sa kanilang ama na pinaniniwalaang may kaugnayan sa negosyo. (Ulat ni Joy Cantos)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended