^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba habang nagdya-jogging

-
NUEVA ECIJA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay nagdya-dyaging sa kahabaan ng Barangay San Felipe, Laur, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Edgar Garcia, 39, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Samantala, ang dalawang hindi kilalang armadong lalaki ay agad na tumakas sakay ng motorsiklo matapos isagawa ang krimen bandang alas-7:40 ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nagdya-dyaging sa nasabing lugar nang salubungin ng mga naka-motorsiklong killer.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nakatakbo at nakapagtago pa ang biktima sa likurang bahagi ng bahay na pag-aari ni Rolando Figueroa pero sinundan pa ito saka pinagbabaril. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY SAN FELIPE

CHRISTIAN RYAN STA

EDGAR GARCIA

NAPAG

NUEVA ECIJA

PINAGBABARIL

ROLANDO FIGUEROA

SAMANTALA

TATLONG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with