Kabilang sa sumukong rebelde ay nakilalang sina Dionisio Tungco, alyas Commander Bibet, asawang si Commander Maymay at Commander Vic.
Isinuko rin ng tatlo ang kanilang mga armas na M16 rifle, Thompson submachinegun at kalibre .45 pistola.
Base sa ulat ni Major General Cristolito Balaoing, commanding general ng 4th Infantry "Diamond" Division, ang tatlong kumander ng NPA ay sumuko kay Col. Rodolfo Obaniana ng 701st Brigade na nakabase sa Tuboran, Mawab, Compostela Valley.
Pagkakalooban ng P2,500 ang tatlo bilang emergency cash assistance at P12, 500 bilang livelihood assistance. Babayaran din ng pamahalaan ng P18,000 para sa isinukong M16 rifle; P10,000 para sa Thompson submachinegun; at P8,000 naman sa kalibre .45 pistola sa ilalim ng armed forces Balik Baril Program.
Sa nakalap na impormasyon ng militar, sina Commander Bibet at Commander Maymay ay mga opisyal ng Front Guerrila Unit (FGU) ng Front Committee 3; samantala, si Commander Vic naman ay NPA platoon leader ng FC3.
Sa ulat ng militar, ang tatlo ay pinag-iinitan ng kanilang kasamahang rebelde dahil sa matinding panunuligsa sa samahang makakaliwa at binabalak na patahimikin kaya nagdesisyon na lamang na sumuko kaysa mapatay.(Ulat ni Bong D. Fabe)