Anak pinatay ng sariling ama
September 23, 2003 | 12:00am
RIZAL Isang 24-anyos na binata ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng sariling ama matapos na sermunan ng biktima ang huli sa loob ng kanilang bahay sa Phase 1 Bankers Village, Gitnang-bayan, San Mateo, Rizal kamakalawa ng gabi.
Dalawang saksak ng patalim ang tumapos sa buhay ni Eleseo Cabanza, samantala, tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Chenenzio Cabanza, 60, na pinaniniwalaang lango sa alak nang isagawa ang krimen dakong alas-10 ng gabi.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dumating ang suspek sa kanilang bahay na lango sa alak kaya nasermunan ng sariling anak hanggang sa magtalo at nauwi sa pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest