Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., dakong alas-4 ng hapon nang unang matisod ng Bravo Company at Alpha Company sa ilalim ng Armys 38th Infantry Battalion (IB) ang plantasyon ng marijuana sa Brgy. Tunganon sa bayan ng Carmen, North Cotabato.
Ang nasabing plantasyon ay pinaniniwalaang inabandona ng mga rebeldeng grupo matapos na matunugan ang papalapit na tropa ng mga sundalo.
Nabunot ng militar ang mga puno ng mga bagong tanim na marijuana sa nasabing operasyon.
Kasunod nito, may 400 puno naman ng marijuana ang nakuha sa isinagawa namang operasyon sa Sitio Ulo, Brgy. Kimlawi, Kiblawan, Davao del Sur ng mga elementong Armys 25th Infantry Battalion. (Ulat ni Joy Cantos)