^

Probinsiya

Lola nasagasaan patay

-
Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite - Basag ang bungo at nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 87 anyos na lola makaraang aksidenteng mabundol ng isang humahagibis na pampasaherong jeepney habang tumatawid sa national highway ng Brgy. Talaba, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Ligaya Navarette, residente ng # 25 Ilang-Ilang St. Doña Manuela Subd., Las Piñas City, ay idineklarang dead-on-arrival sa St. Dominic Hospital sa naturang lugar.

Nasakote naman ang driver na nakilalang si Rodrigo Ladaya, 33, naninirahan sa Brgy. Tibig, Silang, Cavite.

Sa report ni PO1 Ivan Legaspi, imbestigador sa kaso, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga habang ang biktima ay tumatawid sa nasabing highway nang aksidenteng salpukin ng isang rumaragasang jeepney na minamaneho ng suspek na may plakang WWZ-237.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan na siya nitong dagliang ikinasawi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CRISTINA G

ILANG-ILANG ST. DO

IVAN LEGASPI

LAS PI

LIGAYA NAVARETTE

MANUELA SUBD

RODRIGO LADAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with