^

Probinsiya

Bass player ng Parokya ni Edgar, 4 pa sugatan sa vehicular accident

-
Tanauan City, Batangas – Isang sikat na bass player ng Parokya ni Edgar, isang pamosong banda na pinatanyag ang awiting Mr. Suave at apat pang katao ang nasugatan matapos na maaksidente ang behikulong kinalululanan ng mga ito sa lungsod na ito kahapon ng hapon.

Ayon sa Tanauan City Police, labis na nabigla ang mga kasamahan sa Parokya ni Edgar ng biktimang si Buhawi Meneses nang mabatid na naaksidente ito.

Si Meneses, 27-anyos ng Loyola Heights, Quezon City na nagtamo ng mga sugat sa katawan ay idineklara nang nasa ligtas na kalagayan sa CP Reyes Hospital sa lungsod ng Tanauan.

Kabilang naman sa apat pang nasugatan ay ang mag-asawang Arnel at Raquel Ramos; mga anak nilang sina Queenlin at John; pawang nilalapatan na ng lunas sa Mary Mediatric Hospital sa Lipa City sa tinamong mga sugat at galos sa katawan.

Sinabi ng mga imbestigador na ang sakuna ay naganap dakong 1:10 ng hapon habang sina Meneses ay lulan ng Panoramic Van na may plakang WRS-424 na bumabagtas sa kahabaan ng KM 68 ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) tollway sa Brgy. Bagong Bayan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalukuyang binabaybay ng nasabing sasakyan ang direksiyon ng northbound nang biglang ma-flat ang kanang gulong ng van ni Meneses.

Bunsod nito ay nagpagewang-gewang ang sasakyan, makailang ulit na bumaligtad hanggang sa tuluyang sumalpok sa tabing daan.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at isinugod sa pagamutan ang mga biktima. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BAGONG BAYAN

BUHAWI MENESES

LIPA CITY

LOYOLA HEIGHTS

MARY MEDIATRIC HOSPITAL

MENESES

MR. SUAVE

PANORAMIC VAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with