^

Probinsiya

2 konsehal nagsuntukan

-
LINGAYEN, Pangasinan – Dalawang konsehal ng bayan dito ang nagsuntukan sa isang committee hearing noong nakalipas na Lunes matapos magtalo kung dapat bang ipasa ang isang resolusyon na nagsasaad kung dapat bang ideklarang persona non grata ang tatlong local broadcaster.

Nagpa-blotter si Kon. Gilbert Mangapot,34 sa barangay hall sa Poblacion habang si Kon. Norberto Felix, 60 ay sa pulisya.

Ayon kay Mangapot, nais niyang ideklarang persona non grata sina Rannie Manaois, Allan Sison ng DZRH-Dagupan at Nestor Reyes ng DWPR.

Subalit hindi umano sumang-ayon dito si Felix dahil isang katawa-tawa lang at si Reyes na gusto nitong i-persona non grata ay isang residente ng Lingayen.

Sa pagkakataong ito ay nagpikunan ang dalawa na nauwi sa pagsusuntukan na naawat lang matapos pumagitna ang mga kasamahang konsehal. (Ulat ni Eva Visperas)

ALLAN SISON

AYON

DAGUPAN

DALAWANG

EVA VISPERAS

GILBERT MANGAPOT

LINGAYEN

MANGAPOT

NESTOR REYES

NORBERTO FELIX

RANNIE MANAOIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with