^

Probinsiya

May sakit sa isip ang misi ko - Rep Sumulong

-
Inamin ni Antipolo Rep. Victor Sumulong na mayroong "schizophrenia" o sakit sa pag-iisip ang kanyang asawang napabalitang nagpakamatay sa kanilang bahay noong Huwebes.

Inihalintulad ni Sumulong ang sakit ng kanyang asawang si Michelle, 38, sa pelikulang "A Beautiful Minds" na kinatatampukan ni Russell Crowe kung saan ipinakikita ang isang taong naghahalusinasyon. Nabatid na nauna nang ipinasok sa Makati Medical Center si Michelle subalit lumabas ito. Sumunod itong ipinasok sa St. Luke’s Hospital at ang pinakahuli ay sa UERM. Ayaw umanong manatili sa "asylum" ng biktima kung kaya iniuwi na lamang ito ng kanyang pamilya.

Nilinaw din ni Sumulong na walang diabetes ang kanyang asawa kundi siya ang nagtataglay ng ganitong sakit.

Inamin din ni Sumulong na nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang asawa kaugnay ng pagpasok nito sa ospital ilang oras bago ang insidente.

Samantala, sa isinagawang paraffin test ay lumabas na negatibo si Sumulong at apat nitong kasama sa bahay.

Hinamon naman ni Sumulong ang nag-iintriga sa kanya sa nangyaring insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

A BEAUTIFUL MINDS

ANTIPOLO REP

EDWIN BALASA

INAMIN

MAKATI MEDICAL CENTER

MICHELLE

RUSSELL CROWE

ST. LUKE

SUMULONG

VICTOR SUMULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with