Miyembro ng KFR todas sa engkuwentro

CAMP AGUINALDO – Isa sa anim na miyembro ng kilabot na Pentagon kidnap-for-ransom gang ang iniulat na napatay sa naganap na engkuwentro matapos na salakayin ng tropa ng militar ang pinagkukutaan ng mga kidnaper sa Sitio Panong Giling, Barangay Lumabao, Sultan Kudarat, Pendatun, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan ng napaslang na kidnaper na inabandona ang kanyang mga kasamahan matapos na matunugang nalagasan sila sa naganap na engkuwentro.

Narekober naman ng militar ang apat na malalakas na kalibre ng baril at granada, ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo.(Ulat ni Joy Cantos)

Show comments