3 NPA na dumukot sa trader tiklo
September 19, 2003 | 12:00am
Tatlong rebeldeng New Peoples Army (NPA) na pinaniniwalaang sangkot sa kidnapping ng Tsinoy trader ang nalambat ng pulisya sa Barangay Turbina, Calamba City, Laguna kamakalawa.
Nasa piitan ng 4th Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek na sina Romeo Malise, 40 ng Pasig, Santolan; Felino Serrano, 55, ng Nueva Ecija at Mario Gamboa, 53, ng San Andres Bukid, Manila.
Base sa ulat ng pulisya, nalambat ang tatlo habang kinukuha ang ransom sakay ng kotseng may plakang XBC-302 matapos na magkasundo ang pamilya ng biktimang si Janeth Chang sa ibibigay na P.6 milyon ransom sa gasolinahang sakop ng nabanggit na barangay.
Ang tatlong suspek ay sangkot sa pagdukot kay Chang noong Setyembre 12, 2003 at humihingi ng malaking halaga hanggang sa makipagkasundo na ibibigay ang pera sa naturang lugar. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest