Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD special operations chief Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District Command Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, umaabot sa 436-bales ng "ukay-ukay" sakay sa 40-footer container van nang ito ay masabat ng mga awtoridad dakong alas-2:00 ng hapon.
Ayon kay Alameda, dumating ang kontrabando noong Agosto 8, 2003 mula sa Busan, South Korea lulan sa barkong Maersk Trieste Voyage at nasa ilalim ng alert order status.
Sinabi pa ni Alameda na bukod sa mga "ukay-ukay" ay may mga nakapaloob din na imported mens and womens shoes.
Sa panayam naman ng PSN kay Customs Deputy Collector chief for Port Operations Atty. Titus Sangil, nabigong makipagkita sa kanila ang consignee nito na si Samuel Mora ng 7 red star logistics matapos na madiskubreng pawang mga "ukay-ukay ang nilalaman ng naturang van kaya inabandona na nito ang kanyang kontrabando. (Ulat ni Jeff Tombado)