Abogado, 2 pa timbog sa drug bust operation
September 19, 2003 | 12:00am
QUEZON Isang abogado na kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at dalawa pa nitong kasama ang inaresto ng pulisya makaraang makumpiskahan ng 102 gramo ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Tignoan, Real, Quezon kamakalawa ng umaga.
Kasalukuyang naghihimas sa rehas na bakal ang mga suspek na sina Atty. Romeo Llever, 45, 45, kawani ng BIR sa Batangas; Joel Lanson, 23 ng Quiapo, Manila at Abdulsamad Lumawad Demacota, 32 ng 403 Maharlika Village, Taguig, M.M.
Base sa ulat ni P/Sr. Supt. Federico Terte, provincial director, isinagawa ang drug bust operation sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Rodolfo Obnamia ng Real Municipal Trial Court.
Nabatid na unang nakumpiska ang pitong gramo ng shabu sa bahay ng abogado saka sinundan naman ng 95 gramo na hawak ng dalawang suspek na dumating sa bahay ni Llever. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended