$215-M para sa modernisasyon ng pantalan sa SBMA
September 18, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY, Freeport Umaabot sa $215 milyon o P12 bilyon ang inilaang pondo para sa pagpapatayo ng Sea Port modernization project ang nakatakdang simulan sa taong ito sa tulong at suporta ng mga lokal at foreign investors sa loob ng Subic Freeport.
Sa panayam ng PSN kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo, layuning maging isa sa pinaka "world class-transshipment hub" ang Subic hindi lamang sa bansa kundi sa buong rehiyon sa Asya.
Kabilang sa mga mangangalakal na sumuporta sa naturang proyekto ay ang Subic Bay Development and Management Corp. (SBDMC) na siyang nagpapatakbo ng Subic Bay Industrial Park kung saan ang nangungunang Taiwanese manufacturing firm gaya ng Wistron Infocomm Phils. Hitachi, Yi-Phone at lahat ng may 60-dayuhang kumpanya ay kasalukuyang nakatayo, Seaway Marine at ang International Development and Environment Shipping School (IDESS).
Sa isang press statement naman na ipinalabas ng Japanese-based Subic Techno-Park President Itchiro Tsugi at tagapagsalita ng may 100-Japanese locators na nakabase sa Freeport na sila ay naniniwala na ang proyekto ay makakatulong sa kanila sa karagdagang pagpapatayo ng mga Japanese establishments na siyang makapagpapatanggap naman ng karagdagang trabaho mula sa Central Luzon.
Sinabi pa ni Payumo na ang itatalagang proyekto ay upang makatulong din ang SBMA sa administrasyong Arroyo sa mithiin nitong maiangat ang antas ng ekonomiya ng bansa. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest