2 problemadong lalaki nag-suicide
September 18, 2003 | 12:00am
May posibilidad na matinding problema sa pamilya at pagkatao ang naging sanhi para magdesisyong mag-suicide ng dalawang lalaki sa magkahiwalay na bayan sa Quezon at Nueva Ecija kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mg biktimang sina Alexander Garais, 39, tubong Bicol at residente ng Barangay Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija at Alberto Javierto, 56 ng Barangay 8, Lucena City, Quezon.
Batay sa ulat ng pulisya, naitala ang pagpapakamatay ni Garais bandang alas-7:45 ng gabi sa loob ng kulungan ng San Leonardo police station.
May palagay ang pulisya na nakonsiyensiya si Garais sa ginawang maitim na balak sa sariling 14-anyos na anak na babae kaya nakulong hanggang sa nagdesisyong magbigti sa kinakukulungang selda.
Samantala, nagdesisyon ding mag-suicide si Javierto matapos na kutyain ng kanyang mga kapitbahay dahil sa sakit na ulcer at TB.
Napag-alaman na nag-iwan ng suicide note si Javierto na humihingi ng tawad sa kanyang pamilya sa nagawang pagpapakamatay. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana, Tony Sandoval at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended