2 pulis, guro todas sa road mishap
September 17, 2003 | 12:00am
CAVITE Lasog ang katawan at napatay ang dalawang pulis at isang guro matapos na masalpok ng sasakyan sa naganap na road mishap sa magkahiwalay na bayan ng Cavite kamakalawa.
Kinilala ang mga biktimang sina Police Inspector Arthur Tanauan, 27, binata, PO1 Ervin Rita, 29, kapwa residente ng Fort Sto. Domingo at miyembro ng Special Action Force (SAF) at Zenaida Fuentes, 50 ng Block 1 Lot 321 Bayanihan Homes Subdivision, Imus, Cavite.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang unang aksidente sa Sta. Rosa-Tagaytay Road na sakop ng Barangay Puting-Kahoy, Silang, Cavite.
Tinangkang lampasan ng nagmomotorsiklong dalawang pulis ang sinusundang kotse at dahil sa may kasalubong na van ay agad kinabig pakaliwa hanggang sa sumagi sa gilid ng kotse at tumilapon.
Nasagasaan naman nang paparating na van ang dalawang pulis na nakahandusay sa kalsada at ikinasawi nila.
Samantala, nahagip naman ng sasakyan si Fuentes habang papasok ng pinapasukang eskuwelahan sa Barangay Anabu 2, Imus, Cavite.
Hindi naman nabatid ang uri ng sasakyang nakasagasa sa biktima dahil walang lumutang na testigo. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am