Kinilala ang mga napaslang na sina SPO2 Simeon Aquino at SPO2 Ricardo Isidro; pawang kasapi ng Sta. Lucia Municipal Police Station.
Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga nasugatang biktima na sina SPO4 Felipe Dole; PO2 Andrew Rabang, PO3 Alberto Barbado at PO2 Rodrigo Masandra Jr.
Sa ulat na tinanggap kahapon ng Camp Crame, dakong alas-11:50 ng gabi nang umatake ang mga rebeldeng NPA sa nasabing himpilan ng pulisya.
Ang sumalakay na mga rebelde ay pinamumunuan ni Renato Amulot, alyas Ka Deo ng Kilusang Larangan Guerilla na aktibong nagsasagawa ng operasyon sa nasabing lalawigan.
Agad umanong nagpaulan ng bala ang mga rebelde sa naturang himpilan ng pulisya saka binuhusan ng gasolina ang ilang bahagi at sinunog.
Napilitan namang gumanti ng putok ang mga bantay na pulis na ikinasawi ng dalawa sa mga ito habang nasugatan naman ang apat na iba pa.
Bago tuluyang tumakas ay tinangay ng mga rebelde ang hindi pa madeterminang bilang ng mga armas.
Naglunsad na ng pursuit operations ang mga elemento ng 50th Infantry Battalion at 5th Infantry Division ng Phil. Army laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa nangyaring pag-atake. (Ulat nina Joy Cantos at Myd Supnad)